Saturday. Around 10 in the morning. I’ve told my family that we will cooperate and turn off our lights for an hour for the Earth Hour. No violent reaction. Buti naman noh? 🙂

Just about noon. My pamangkins are excited for the Earth Hour. While my youngest pamangkin is crying and saying, “Akot ako. May mumu mamaya.” Thanks to his brother for scaring the hell out of him. Ayun, may konti ng violent reaction, si mother, bumabanat na. Hehehe… 🙂

7 in the evening. We are all aligaga preparing foods para naman makakain na before the lights would be off. Etong si mother, nag-uumpisa na. Bakit daw kasi kailangan pang patayin ang ilaw, ang dami daw arte, di naman daw kami yayaman dito, etc, etc. Hay naku! Pumasok na naman tuloy ako sa sarili kong mundo para wala akong marinig Hehehe… 🙂

8:00 pm. We were all done eating except for mother. Aba! Nagtitigas-tigasan pa ng ulo at ayaw sumunod sa napag-kasunduan! Kaya super remind naman ako, “Ma, kain ka na kasi malapit na natin patayin yung mga ilaw para sa Earth hour remember?” No reaction lang sya.

8:10. “Ma? Kain ka na. Gabi na.” <kruu, kruu>

8:15. “Ma?” <kruu, kruu pa din>

8:20. “Ma, di ka pa ba kakain? Malapit na natin patayin yung ilaw.” (may konting yamot na sa boses ko nito ha? Hehehe…) Tayo lang si mother at dumiretso sa lamesa to eat. Asus! Kakain din pala e! Nagpapilit pa. Hahaha… 🙂

By 8:30. We turned off all our lights and silently stared at each other. I wish na tahimik noh? Pero hindi. Kahit na super dilim na, grabe pa din ang gulo ng mga pamangkin ko. Parang New Year kung makapag-ingay sila. OMG! Akala ko pa naman I can take a nap without them knowing Hahaha… 🙂

Advertisements