Si Mama.

Sa tuwing tatanungin ako kung paano ko sya ide-describe, napapahinto ako at napapa-isip. Hirap na hirap talaga ako. Dami kasi pwede sabihin about her. Pero simple lang naman si mama. Ganito lang ka-simple:

  • Mahilig sya sa alahas, particularly singsing. Halos mapuno na nga ang daliri nya sa dami ng mga singsing na suot nya e. Grabe talaga!
  • You can never see her without her lipstick. Sabi ko nga sa kanya dati magpa-lip tattoo na sya para di na sya mapagod sa kaka-apply Hehehe… ๐Ÿ™‚
  • Always present din ang hair color ni mother. Na-try nya na halos lahat ng kulay, from basic black to carrot head, asus, Hehehe…Now naman red na ang drama nya. Mas bagay naman sa kanya e! Uuuyyy! ๐Ÿ™‚
  • Si mama may green thumb. Kahit anong klaseng halaman kayang kaya nyang patubuin at palaguin. Super alaga nya yung mga flowering plants nya sa aming bakuran.
  • Masarap mag-luto si mother. Isa nga din yung factor kaya lumobo ako ng ganito e. Kasi everytime na sasabihin ko sa sarili ko to start my diet, sa tuwing magluluto si mama ng masarap, hay naku! Di ko mapigilang hindi kumain. Hmm! Yum! Yum!
  • Syempre, nahilig din kumain si mama noh? Mas prefer nya ang gulay, fish and fruits, which is so not like me. Hahaha! ๐Ÿ™‚
  • I often call her SuperMom. Kahit ano kasi ng i-ask ko, alam nya at kaya nyang gawin. Like the peacock costume I used for our team building, she made that. When I ask her to cook biko for the team, she’s very much willing. I can never ask for more.
  • I still can remember how she worked hard to provide for me and my ate. After their separation, kung anu-ano ang pinasok nya para mabuhay kami. Nagtinda sya ng baboy at ng lansones, nag-ahente sya, nag-benta sya ng mga RTW, nagtayo sya ng sari-sari store, nagtinda din sya ng bananaQ at kamoteQ pati na din almusal like tsamporado, lugaw, pansit atbp.

ย I can never thank my mother enough for giving me everything I have now. She had been and will always be my inspiration. Kahit na medyo madalas nya akong pinapagalitan dahil moody at snub ako, mahal na mahal ko si mama. Walang makakapantay sa pagmamahal na iyon.

At ngayong birthday nya, she is 54 na, I just wanted to tell her that I love her so much and palaging nasa prayers ko ang health nya. Sana mas humaba pa ang buhay nya hanggang sa maibigay ko na sa kanya lahat ng kaya kong ibigay na kasarapan ng buhay. Hindi ko man palaging nasasabi ito, I know she knows how I feel about her. Happy birthday! I love you Ma!

Advertisements