Naramdaman mo na ba minsan na parang hindi mo na kaya? Na parang sawang sawa ka na sa takbo ng buhay mo? Gusto mo na bang sumuko?

 

Ako, OO. Napapagod na ako sa ganitong buhay.

 

Lumaki akong pinagkaitan ng kaligayahan at ama. Simula pagkabata, ang nais ko lamang ay magkaroon ng masayang buhay.

Nagka-isip ako at natutong sumabay sa agos ng buhay. Katulad ng isang dahon na naligaw sa ilog at patuloy na sumasabay sa galaw ng tubig, ganon ang nagging takbo ng buhay ko. Masaya ako, oo pero parang may kulang. Kakulangang hindi ko mabatid.

Natuto akong umibig. Masarap sa pakiramdam at nagbibigay ng kakaibang saya. Hindi ako nagsisisi na natutuhan kong umibig dahil yun ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Sa wakas, nahanap ko ang nawawalang parte ng buhay ko.

Ang mga sumunod na taon ng aking buhay ay naging maayos at masaya. Salamat sa mga taong nagmamahal sa akin, mga kaibigan, ang aking pamilya at syempre, ang aking inspirasyon. Kuntentong kuntento na ako sa buhay ko hanggang sa…

Unti-unti na namang gumuho ang mundo ko. Ang buhay na kaytagal kong binuo ng saya at pagmamahal ay nasira na. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Alam ko kung ano ang tama sa mali sa mga nangyayari sa buhay ko pero alam ko may masasaktan ako kapag nag-desisyon ako. Gulung-gulo na ako.

Advertisements