Last night, I was crying.

I don’t know kung bakit pero bigla na lang akong naiyak. O db? Parang baliw lang ahahaha! 🙂

Napag-usapan kasi namin si Mama Norma (Late mother of Sherwyn). Hindi ko naman gustong maiyak pero being the cry baby that I am, hindi ko na naman napigilan. I tried to hide the tears from him but then napansin na naman nya. Badtrip! Ayoko ngang mahalata nya yun e! Kaya ayun, sobrang pigil na pigil sya sa iyak nya. Kahit di nya sabihin, alam ko na he also wants to cry pero pinipigil nya. I know na ni wala sa kalahati yung hurt na nararamdaman ko sa hurt and pain na nafi-feel nya. Kaya I need show off my poker face whenever that subject would be discussed kasi I don’t want him to feel bad anymore.

I still feel sad. Super bilis ng panahon e. Parang ang hirap tanggapin. Pakiramdam ko, she’s still there sa Bulacan, who will be waiting sa pagdating naming dun every Christmas. Pero din na yun mangyayari e. 😦

Advertisements